February 14, 2025

Love Language: Poy Erram believes love means standing by his wife no matter what

Love Language: Poy Erram believes love means standing by his wife no matter what
Poy Erram of the TNT Tropang Giga | Photo by RM Chua; Art by Mitzi Solano

From college to the pros, Poy Erram has been a ferocious competitor inside the court.

 Erram is passionate and hard-nosed.

 He would dive to secure the loose ball even if it means losing some of his teeth.

 But Erram's game face quickly turns from mean to sweet whenever he is with his wife and kids.

 The 6-foot-7 TNT beanpole opened up to One Sports about the side only a few people know.

 

One Sports: For you, what is love?

 Poy Erram: What is love? Siguro, for me, siyempre may wife at mga anak na ako, nag-ii-stick pa rin ako sa wife ko kahit anong mangyari. Walang ibang magtutulungan kung hindi kami lang. For me, that’s love. Kahit anong pinagdaraanan mo, kahit anong galit ninyo, nandiyan kayo [para] sa isa’t isa.

 Kasi nagsumpaan kayo sa Panginoon, eh. Hindi naman love 'yan kung walang Panginoon. Kung hindi ninyo pinapagitnaan si Lord, hindi 'yun love.

 So, for me, that’s love: Doing what I can, the best I can para i-prove sa wife ko, sa mga anak ko, na I’m there for them kahit anong mangyari. Hindi ko sisirain 'yung trust na ibinigay sa'kin ng wife ko at ng mga anak ko. That’s love for me.

[ALSO READ: Love Language: Arvin Tolentino sees love as unconditional]

 OS: What is your love language?

 Poy: For me, touch at medyo kaunting material things.

 Kasi noong bata ako, hindi ko nakuha 'yung mga gusto ko kasi mahirap lang kami, like 'yung mga laruan. Pero more on touch kasi gusto ko, 'pag matutulog kami, 'yung paa ko nakadikit sa asawa ko. Gusto ko laging magkayakap kahit nakaupo lang kami. Gusto ko napi-feel ko siya palagi.

 Akala mo simple lang, pero sa'kin, sobrang laking bagay.

 OS: What are your plans for Valentine’s Day?

 Poy: Simple things lang. Kasi, siyempre may mga anak na rin kami. Palagi kong ginagawa, bago pa lang, paggising sa umaga, may flowers na akong bitbit. Every birthday yan, every Valentine’s. Any occasion na involved 'yung wife ko, laging pagkagising na pagkagising niya, may bulaklak akong bitbit kasama ang mga anak ko.

[ALSO READ: PBA semifinals: TNT, Rain or Shine extend playoff rivalry to Commissioner's Cup]

 OS: Would you say you are romantic?

 Poy: I don’t think I’m romantic. I’m more… Medyo kengkoy kasi ako sa bahay. Ako 'yung komedyante sa bahay namin. So doon pa lang naaa-appreciate ng wife ko 'yun, hindi lang yung pagmamahal ko. Naa-appreciate niya 'yung effort kong patawanin sila. Alam naman niyang everyday pinu-prove ko sa kaniyang mahal ko siya.

We use cookies to ensure you the best experience on our website. For more information, click FIND OUT MORE.