March 30, 2025

Poy Erram shares unsaid words after his father’s passing — One Sports exclusive

Poy Erram shares unsaid words after his father’s passing — One Sports exclusive
Poy Erra opens up about the relationship with his fatrher. Photos by RM Chua. Art by Mitzi Solano/One Sports

Losing a parent is never an easy experience.

Everyone will have their own way of mourning, and while the emotional burden of the his father’s passing weighs heavily on the heart of TNT Tropang Giga’s Poy Erram, it also brings personal and mental health struggles he hasn’t fully addressed.

Poy’s father was absent while he was growing up, creating a void that would influence his emotional terrain well into adulthood.

Known for carrying a a striking presence on the court, Erram seeks strength and guidance from his father, yearning his presence in difficult stretches in both his personal and professional life, magnified during an emotional TNT playoff run in the PBA Commissioner’s Cup, particularly in the Finals vs. Ginebra.

With his father’s death, Poy was not able to properly say goodbye—feeling a sense of unfinished business despite the complexities surrounding their relationship.

Though his father’s story, like his own, was imperfect and often misunderstood, Poy Erram hopes to preserve and pass on a positive image of him to his children—a legacy that reflects a good father.


One Sports: Gaano kahirap mawalan ng isang magulang?

Poy Erram: Iba kasi talaga ‘yung pinagdaan ko sa kanya ‘eh. So, physically, he’s not here pero alam mo ‘yun? ‘Yung pagmamahal ko sa kanya, hindi nawala. Kahit anong mangyari, anak pa rin ako, magulang ko parin siya.

Ang hirap lang kasi dumadating sa point na pag kailangan ko ng magulang, wala akong matakbuhan ‘eh.

So ngayon, katulad ng mga ganitong sitwasyon, pag kailangan ko ng magulang, nahihirapan ako kasi wala akong mapagsabihan ng ganitong problema ko na — kung anong kailangan kong gawin, kung anong dapat kong gawin, walang maga-advice sa akin. Doon ako nahihirapan ngayon, kung paano ko ia-address ‘yung sarili ko.

One Sports: May mga times ba na naf-feel mo ‘yung presence niya or guidance niya when you’re playing on the court?

Poy Erram: I always listen doon sa kanta na pinapakinggan niya. ‘Yung Anthony Castelo [songs], kasi kaparehong-kapareho niya ng boses, so ngayon, ‘yun ‘yung pinapakinggan ko everyday.

Lagi ko naiisip ‘yung mga advice niya sa akin, mga sinasabi niya sa akin na kahit na gaano kahirap ‘yung buhay, tuloy ka lang sa laban, kahit anong mangyari. ‘Yung mga past mistakes niya, ‘yun talaga ‘yung tinatry kong gawan ng paraan na hindi ko magawa kasi ‘yung time na nahihirapan siya, ayoko ‘rin kasing mahirapan ako — ayokong matulad sa kanya kasi ‘yung mga anak ko maliliit pa ‘eh.

Ayoko dumating sa point pa na magaya sa akin ‘yung mga anak ko… medyo nahirapan ako kasi hindi ako nakahingi ng advice sa kanya, lumaki ako ng wala siya. Pero ‘yung pagmamahal ko sa kanya, hindi mawawala. Syempre may galit pero ‘yung pagmamahal ko, hindi nawala.



At this point of the conversation, Erram let his emotion loose, breaking down in tears as he remembered his love for his father amid a challenging relationship.

One Sports: Hindi ka nakapagpaalam sa father mo, may gusto ka ba sanang sabihin sa kanya kung buhay pa siya?

Poy Erram: Hindi talaga ako nakapagpaalam ng maayos, ‘yun ‘yung sobrang sakit talaga. Kung may sasabihin ako sa papa ko, siguro nagpapa-salamat ako kasi siya ‘yung naging magulang ko.

Hindi man naging madali ‘yung nangyari sa amin, ‘yung pinagdaanan ko, pero ginawa ko lahat para maging proud siya sakin. Alam mo ‘yun? Na kahit wala siya, ginapang ko ‘yung sarili ko. Kahit na hirap na hirap ako, pinagdadasal ko pa rin siya, kahit lumaki ako ng wala siya.

Ginawan ko pa rin ng paraan para magkaayos kami. Personally kasi, physically, lumalaki ako ng wala siya ‘eh. Nasa trabaho siya, kung saan-saan siya pumupunta. Simula 14 or 15 pa lang ako, mag-isa na ako lumaki.

I try my best na ‘yung legacy niya kahit na ganun kasama, ayokong i-portray na masama siyang grandfather sa mga anak ko, gusto ko na sabihin ko sa kanila na “‘yung lolo niyo ganito,” lalo na sa mga kapatid ko, gusto ko sabihin sa kanila na maayos si papa kaya nung may nangyari sa kanya, lahat ng tulong ginawa ko lahat para sa kanya.

We use cookies to ensure you the best experience on our website. For more information, click FIND OUT MORE.