April 03, 2025

Jema Galanza opens up on volleyball journey and Creamline loyalty in Reddit AMA

Jema Galanza opens up on volleyball journey and Creamline loyalty in Reddit AMA
Jema Galanza gamely answered several questions asked by fans during her Reddit 'Ask Me Anything' with One Sports. | Art by Mitzi Solano/One Sports

From her volleyball beginnings to her loyalty to Creamline, Jema Galanza gamely answered fan questions during Reddit’s Ask Me Anything (AMA) on r/SportsPH, hosted by One Sports.

Galanza opened up about her journey in the sport, how she stays motivated, and even shared her favorite book. She also reflected on her UAAP days and highlighted the strong bond within the Cool Smashers.

Here are some of Jema’s answers.

Question: How did you come across playing volleyball?

Jema: Perfect na perfect, I love the question. Actually ‘yung father ko, siya ‘yung coach ko kaya ako naka-pasok sa volleyball. If ikaw talagang plano mo ipasok yung anak mo sa volleyball, why not? Kasi ngayon sobrang laki na talaga ng community and sobrang laki na rin ng competition dito sa volleyball, at malayo na yung pwede nating marating sa pag-volleyball.

Marami na ring volleyball camp na ginagawa, specially mga athletes na naglalaro pa rin, may kanya-kanya silang volleyball camp. Si Ate Ly, so isali mo 'yung anak mo sa ganung camp para ma-expose sila and matuto sila ng mga basic skills.

Question: What’s the best book you ever read?

Jema: Verity. Mahilig ako sa mga thriller books, 'yun 'yung book na parang ilang araw hindi ako nakatulog kakaisip kung paano nangyari 'yung ending. So, basahin niyo guys, ganun 'yung magiging feeling niyo pag nabasa niyo siya. And magkakaroon siya ng movie, kaya if hindi niyo pa siya nababasa, go na.

Question: Nakikita mo ba yung sarili mo na naglalaro sa ibang team, or sa Creamline ka na magreretire?

Jema: 'Di ko nakikita yung sarili ko na naglalaro sa ibang team kasi kuntento na yung heart ko kung nasaan ako ngayon, dito sa Creamline. Kahit sobrang tagal na magkakasama-sama kami, meron ka parin talagang matututunan. So ako, I think dito ako tatanda sa Creamline. Baka may white hair na ako, so Creamline pa rin ang end ng career ko.

 

Question: As a team, how do you handle a so-so performance?

Jema: Hindi naman kami perfect as a team. Hindi naman ibig sabihin na marami kaming championship, hindi kami natatalo or hindi kami nagkakaroon ng off game. So, sa tuwing nagkakaroon lang kami ng off game, or nagkakatalo, or hindi ganun kaganda 'yung game namin, napag-uusapan naman namin kung ano 'yung nagiging problema during training.

After nun, kanya-kanya na kaming ng dala-dala, and kung paano kami magrerecover mentally and physically. Pero 'yun, more on focus talaga sa training, pero walang sisihan ‘to guys. Usap lang na “ah baka kailangan lang ng communication, baka kailangan ng ganito, ganyan.” Medyo specific kami sa mga bagay na kailangan naming ayusin.

[ALSO READ: Why did Jema Galanza sit out Creamline’s PVL match vs Akari? Coach Sherwin Meneses explains]

Question: Anong love language ng Creamline?

Jema: Taray. Words of affirmation. 'Yun naman ang gusto ng lahat, na nakakarinig ka rin ng maganda sa ibang tao. Kami, kapag meron talagang nagagawa 'yung bawat isa samin, talagang binibigay namin 'yung deserve niyang words na maririnig samin.

Question: Is there anything you wish you did noong UAAP years mo?

Jema: Siguro mas nag-focus ako sa pagiging student-athlete. Wala akong iisipin kundi mag-aral tsaka maglaro. Noong college kasi meron ding ibang part ng life ko na hindi lang student-athlete na medyo naapektuhan. I think ‘yun lang, siguro mas na-enjoy ko yung pagiging estudyante, mas nagkaroon ako ng friends na mga classmates ko, and ‘yun nga sa volleyball, siguro na-push namin mag-Final Four sa UAAP career ko.

Question: What makes you keep going even when you feel like volleyball doesn’t want you anymore?

Jema: Minsan talaga parang ayoko na maglaro. Parang nakaka-drain na siya sa utak ko, sa katawan ko. Kasi since Grade 4 naglalaro na ako hanggang ngayon. And ngayon, ‘yun nga parang minsan, “Ano ba, napapagod na ba ako? Nagsasawa na ba ako?” Ganyan, kinakausap ko yung self ko. Pero I think, hindi volleyball yung hine-hate ko. Pero ‘yung world lang din na meron ‘yung volleyball ngayon. Kasi nga dahil sobrang laki na talaga ng volleyball natin ngayon, mas madaming mata talaga and madaming masasabi sayo.

So ako, tinutuloy ko lang yung gusto kong gawin dahil lang sa mga mahal ko sa buhay na syempre umaasa rin sakin, and syempre pinapanuod din ako kasi masaya silang pinapanuod ako.

[ALSO READ: Jema Galanza hopes to find confidence, form for Creamline as PVL All-Filipino playoffs near]

Syempre dito rin ako kumukuha ng source of income ko, diba? Hindi ako makaka-travel or hindi ko makukuha ‘yung gusto ko if hindi ko itutuloy. And syempre, love ko ‘yung teammates ko. Kaya kahit anong mangyari, kahit babang baba na ako, iniisip ko lang yung mga taong importante sakin na sila lang nagpapalakas ng loob ko.

We use cookies to ensure you the best experience on our website. For more information, click FIND OUT MORE.